Thursday, October 25, 2007

Rebolusyon ng OFW laban sa PISO!

tutuo naman... tayo ang nagpapakapagod sa iba't ibang bansa para sa mga mahal natin pamilya... ilan trabaho ginagawa natin,ang gabi nagiging araw! kahit taglamig pa susugod para masiguradong buo ang padala natin sa kanila buwan buwan.

kaligayahan na malaman na ok sila, kumakain sa tamang oras at may extra sa ibang panganga-ilangan nila. Luho man o hindi. Importante masaya pamilya.

Ok din naman makatulong sa bayan... bakit hindi. Lahat tayo kapamilya ni Juan dela Cruz.

Pero eto ang tanung... bkit mahirap pa rin ang nakararami? Bakit lalong tumataas ang bilihin? ang gasolina mataas, ang bigas mataas, ang pandesal mataas?

Kung ang pamilya natin mga OFW nag rereklamo sa hirap ng buhay sa pinas, e pano na yun walang pamilya sa abroad? pano na yun nagtitinda ng taho? yun taxi driver? yun labandera? pano na sila?

Sa pagbasak ng Dolyar laban sa piso, dapat nakikinabang tayong lahat. Pero parang lahat nasusugatan e.

Lalu na tayong mga OFW na hirap na maghanap buhay dito sa ibang bansa!

Paano nga... pati hirap natin magtrabaho gingamit pa rin ng gobyerno! Ng mga iilan! Sila nanaman ba....

Pwede naman sana, itong pamilya ni Juan dela Cruz muna unahin nila!

*******************

Sa lahat ng katulad ko OFW, saludo ako sa inyo.

*******************
Mensahe mula sa mga kakabayan natin OFW sa Sydney , Sali tayong lahat dito.

Gawin natin itong isang sakripisyo para na rin sa ating kapakanan. Sabay-sabay po tayong di magpapadala sa Nov. 1 at Nov. 2.


A Brewing OFW Revolt over Peso Value
It's your choice:
1. Open a bank account in your workplace if not yet done and remit only YOUR FAMILY'S MONTHLY REQUIREMENT. Huwag magpadala ng sobra. You can always send some more in case of emergency.
2. Sa mga uuwi ngayon Pasko, huwag magpadala ng dolyar sa unang buwan ng pagbalik sa abroad, kung kakayanin, at ibigay sa pamilya para may pondo.
Basta palaging isigurado na mayroong nakalaan sa pamilya. Subukan nating mapababa ang pumapasok na dolyar sa bansa sa panahon ito upang mabigyang pansin at magawan na paraan ng mga nakapwesto na hindi naman yata tama na ang dolyar ay kinita natin sa 46 pagkatapos papalitan lang sa atin ng 45....
Idugtong sa e-mail na ito at ipakalat sa buong mundo kung sang-ayon o kaya mayroon pa kayong mga ideya.
3. Doon po sa mga may dollar deposits, suhestiyon lang na pansamantalang-pullout, nang sa ganoon kahit paano ay maramdaman sa banking system ang kakulangan sa pondo ng dolyar.

No comments: